Tuesday, January 20, 2015

New Year Epiphanies and Inspirations

Tapos ko nang basahin ang autobiography ni Morrissey na inilabas ng Penguin Classics. Hindi naman talaga ako mahilig sa autobiography, pero niregaluhan ako ng isang malapit na kaibigan kasi ang alam nya hardcore Morrissey fan ako. Eto ang siste, wala sa pinagsamang daliri ng kamay at paa ang mga kanta ni Morrissey ang alam ko. Ni hindi ako dumalo sa concert nya 2 taon na ang nakakaraan, at iba pang gawaing related sa pagiging fan. Pero siguro madalas ko lang banggitin si Morrissey kaya akala ng mga tao sobrang fan ako.

Ang amazing kay Morrissey ay ang paggamit nya ng metaphor sa mga lyrics ng kanta nya. Ang paborito kong kanta nya ay "First of the Gang to Die", tapos ang galing lang nung isang verse dun ang sabi niya: You have never been in love/ Until you've seen the sunlight thrown/ Over smashed human bones. Ganda diba? Also, totally freaky.

Somehow, lahat ng kanta nya ay romantic, not in a girl-meets-boy kind of way, pero romantic in the sense na laging may longing for the ideal or beautiful. At lagi ako napapaisip, bakit nga ba?

So eto na, mabalik tayo sa autobiography nya. Doon ko nalaman na laking hirap pala ito si Morrissey sa Manchester, England. Irish immigrants sila. At as usual, metaphor-heavy ang pagkakasulat. Mga 50 pages siguro sa first part, nung lumalaki sya, e dinidescribe lang niya yung poverty situation ng pamilya at neighborhood na kinalakhan nya. Me mga pagkakataon na gusto ko nang gumapang sa lupa kasi feeling ko yun yung gusto ni Morrissey, na parang friend, anong nangyari sayo, eto na nakikiramay na ako, pwede na ba ito? Pwede ka na bang tumigil sa kakangawa mo tungkol sa hindi nyo pagkain nang sapat? Me moment lang na nairita ako nang kaunti, haha, tapos naisip ko: well, kaya naman pala ganun yung mga kanta nya!

Then, bigla din akong napag-isip-isip: ganito rin kaya ako? Kasi parang me period sa pagsusulat ko na puro tungkol sa nangangaliwang kasintahan o unrequited love ang sinusulat ko. Nakakairita rin kaya ako nung panahong ganito lagi ang tema ng sinusulat ko? Kahit ngayon, medyo ganun pa rin bihis ng mga tula ko. Bakit nga ba?

Ang isang rason na napagtanto ko ay, iyong ini-espouse ko na persona bilang writer (sawi, kinaliwa, niloko, iniwan, heartbroken) somehow binibigyan ako ng character. Yung tipong rockstar na adik pero ang galing kumanta? Feeling ko ganun ako pag nagsusulat ako how my boyfriend left me for someone else. Kasi kung wala akong pinoproject na baggage e ang normal ko lang at napaka-uninteresting. I know, I know ang babaw. Pero naisip ko, masaya naman na ako at matagal naman nang over sa episode na ito ng buhay ko to the point na gusto kong sakalin sarili ko sa mga bagay na pinaggagawa ko noon, haha, pero bakit? Bakit feel ko pa ring i-project na heartbroken ako?

I guess ang gusto ko lang i-project ay: ako ay isang writer na may depth, kasi marami na pinagdaanan so mas wiser at mas magaling na? Sabi nga sa Diary ni Chuck Palahniuk lahat ng magagaling na artist ay dumaan sa paghihirap at sakit so baka ganun rin ako? Haha.

At kasi, naniniwala ako na ang pinakamagagandang kwento ng pag-ibig ay iyong nauuwi sa pighati.

Binasa sa beach for more feels!







Sunday, January 11, 2015

Tula blg. 1

Long-distance Lullaby

Sinabi mo sa akin
na kung sakaling ako'y dadalawin
ng lungkot, sa langit tumingin
naroon sa hilagang silangan,
sa ilalim ng mga bituin,
naroon ka, aking mahal.
Ngunit hindi ako magaling
sa pagbasa ng mga direksyong kardinal,
sa pagtunton ng kinaroroonan;
ng lugar kung saan inilalagak
ang mga alaala.
Sa gabi tuwing ako'y nakatingala,
nalulunod ako sa mga tala.
Naiisip mo rin kaya ako paminsan-minsan?