Hindi
mo ako mapipigilan
Dahil aking
ipagsasabi
ang ginawa
mo sa akin kagabi.
Sa loob
ng iyong kotse
sa gitna
ng daan.
Sasabihin
ko sa katabi natin ng mesa,
sasabihin
ko sa gwardiya sa opisina,
ang ginawa
mo sa akin kagabi.
Sa loob
ng iyong kotse
sa gitna
ng daan
habang umuulan
at naiipit
tayo sa trapik
sa gitna
ng daan
sa loob
ng iyong kotse.
Aking ipagsasabi
Ang ginawa
mo sa akin kagabi
Sa pulis
sa kanto
Sa
manininda ng balut at itlog ng pugo
Ang ginawa
mo
Sumabay
na ako
kasi maulan,
ang sabi mo,
madadaanan
naman,
kaysa ako’y
magabihan,
ang sabi
mo.
Hindi
ako basta mananahimik.
Alam ko
ang iyong ginawa.
Sasabihin
ko sa lahat ng ating kakilala
Pati sa
iyong anak at sa iyong asawa
kahit pa
pigilin mo ako at magmakaawa ka
kasi
nagkamali ka ng akala
kasi,
dahil sumabay ako sa iyong kotse
akala
mo’y puwede mo nang hipuan ang aking dede
Patay
malisya ka pa
Pero aking
ipagsasabi
Ang ginawa
mo sa akin kagabi
Kahit
pa hinabol mo ako kagabi
dahil nagpumilit akong lumabas ng iyong kotse
sa
gitna ng daan
sa
gitna ng trapik
pero
sumisigaw ako
Manyak!
Manyak! Layuan mo ako!
Kung
akala mong doon matatapos iyon
Nagkakamali
ka, dahil aking ipagsasabi
Ang ginawa
mo sa akin kagabi.
Hindi
mo ako mapipigilan
Dahil makakarating
sa kinauukulan
ang ginawa
mo sa akin kagabi
aking ipagsasabi.
Humanda
ka sa aking paghihiganti.